Wednesday , November 13 2024
Joey De Leon Toni Gonzaga

Joey ipinagtanggol si Toni sa bashers

MATABIL
ni John Fontanilla

TO the rescue ang isa sa maituturing na haligi sa showbiz industry na si Joey De Leon para ipagtanggol si Toni Gonzaga kaugnay sa controversial na naging pahayag ni Direk Paul Soriano na itinuturing nitong most powerful celebrity ang kanyang asawang si Toni na muling na bash ng netizens.

Ayon kay Joey mali ang mga basher ni Toni, dahil hindi buo at pinutol ng mga ito ang sinabi ng mahusay at awardwinning director.

Tsika ni Joey sa masayang grand mediacon ng Ten17 at TinCan Productions entry sa 2022 Metro Manila Film Festival kamakailan na ginanap sa Winford Hotel Manila, “Mali naman ang mga basher. Pinutol nila iyong sinasabi ni Direk Paul na napanood ko.

“Equally powerful iyong mga tumitira kay Toni pero hindi naman ito nagre-react. Hindi natitinag. So powerful kasi ‘di niya pinapansin.”

Samantala, very honest naman na sinabi ni Joey na sumama ang loob nito nang iniwan ni Toni ang Eat Bulaga, pero naging happy naman siya sa tagumpay na nakamit ng aktres.

Aminado rin siyang noong umalis si Toni sa Eat Bulaga bilang co-host ay nagtampo siya rito. Nasaktan kasi sila dahil baby nila at inalagaan ang ultimate multimedia star noon.

Ibinahagi rin nito kung paano sila naging okey ulit ni Toni at ito ay nang magdiwang  siya ng kaarawan at inimbitahan ang singer/actress/host and producer at pumunta naman sI Toni kasama si direk Paul at doon ay nagkaayos na sila.

Kaya naman nang alukin ito ni Toni at direk Paul na gawin ang My Teacher ay hindi na ito nagdalawang-isip na tanggapin ang nasabing proyekto lalo na’t wala namang entry sa MMFF ang kanyang BFF na si Vic Sotto. ‘Yun lang kasi ang magiging dahilan para ‘di niya tanggapin ang My Teacher dahil ayaw niyang makabangga sa takilya si Vic.

Well, may kasabihan na habambuhay may possibility, may pag-asa. May possibility ang lahat ng bagay. So, hindi ko inalis sa isip ko na isang araw makaka-partner ko si Meryl Streep kunwari.

Lahat naman posible lalo na noong nagkaroon ng pandemya, worldwide eh. So pantay-pantay ang lahat ng tao, lahat ng bansa, na lahat ay posible lalo na iyong kay Toni.”

Ang My Teacher ay mula sa produksiyon ng TinCan Films, Ten17P, at Godfather Productions ni Joed Serranoat sa direksiyon ni Paul Soriano. Tampok din sina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Rufa Mae Quinto, Carmi Martin, Kakai Bautista, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, Hannah Arguelles, at Isaiah Dela Cruz

Samantala ang  grand presscon kamakailan ay sponsored by Winford Manila, Hello Glow by Ever Bilena, Shopee, at Eureka appliances.

About John Fontanilla

Check Also

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roderick Paulate Robbie Tan

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …