Tuesday , December 24 2024
Christian Gian Karlo Arca Chess

Christian Gian Karlo Arca sasabak sa Manny Pacquiao Int’l Open Chess Festival

MANILA — Magtutungo ang Philippines’ chess wunderkind Christian Gian Karlo Arca sa General Santos City na layuning mapataas ang kanyang world ranking bukod sa muling pagdadala ng karangalan sa bayan.

Kasama ang kanyang father/coach Arman, kilala sa tawag na Christian sa chess world ay matutunghayan sa  MPCL Manny Pacquiao International Open Chess Festival sa 13-17 Disyembre na gaganapin sa Family Country Hotel sa General Santos City.

Si Vitaliy Bernadskiy ng Ukraine (Elo 2615) ang nanguna sa foreign-based grandmasters (GM) na kinabibilangan din nina Hovhannes Gabuzyan ng Armenia (Elo 2586), Lucas Van Foreest ng Netherlands (Elo 2577), Vitaly Sivuk ng Sweden (Elo 2570) at Luigi Basso Pier ng Italy (Elo 2516).

Ang iba pang early registrants ay sina International Masters (IM) Daniel Bryant ng USA (Elo 2413) at Dragos Ceres ng Moldova (Elo 2412), Konstantin Sek ng Russia (Elo 2426), Wee Zhun Teh ng Malaysia (Elo 1908) at Edgardo Borigas ng Hong Kong (Elo 1734).

Si Christian ay naka-schedule din lumahok sa GMG Chess Open Rapid Chess Tournament sa 31 Disyembre 2022 at sa Sir Herky Del Mundo Memorial Open Rapid Chess Tournament sa 3 Enero 2023 na parehong gaganapin sa Second Floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street sa Mandaluyong City, suportado nina Coach Gerald Ferriol at Fide Master Paolo Del Mundo.

Ang kanyang kampanya sa lokal at internasyonal ay suportado nina Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, Rep. Alan Dujali, Mayor Jenny Barzaga, at Rep. Pidi Barzaga.

Sariwa pa si Christian sa magandang performance sa Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand nitong 4-12 Nobyembre.

Ang 13-anyos na si Christian, Grade 8 student ng Dasmariñas Integrated High School, nasa gabay nina Rep. Pidi Barzaga, Mayor Jenny Barzaga, National Coach Fide Master Roel Abelgas, at Class Adviser Mrs. Melinda Calumaya ay nakakolekta ng 7.5 points sa nine outings ng Standard time control format  tungo sa pagkopo sa Gold Individual Award sa Under-14 category plus conditional Fide Master (FM) title.

Tubong Panabo City, Davao del Norte, nagawa ni Christian na maging highest pointer para pangunahan ang Philippine team sa Under 14 class tungo sa Gold Team Awards pareho sa Rapid at Standard Events.

Si Christian, isang certified National Master (NM) at online Arena Grandmaster (AGM) ay nakapag-uwi din ng Bronze Individual Rapid Award.

Kasama ni Christian sina Ivan Travis Cu at John Cyrus Borce tungo sa Silver Team Blitz award.

Natangap ni Christian ang 2 trophies sa kanyang efforts bilang U14 Player na may most received awards. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …