MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City kahapon ng umaga .
Umabot sa walong sasakyan ang nahatak sa clearing operation ng mga tauhan ng MMDA sa kahabaan ng Pasong Tamo Ext., boundary ng lungsod ng Makati at Taguig.
Sa isinagawang operasyon bukod sa walong nahila, natiketan din ang 23 sasakyan dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Una nang isinagawa ng MMDA ang clearing operation sa naturang lugar upang alisin ang mga nakasasagabal sa mga motorista.
Ayon sa MMDA hindi sila titigil sa isasagawang clearing operation hangga’t hindi nadidisiplina ang mga may-ari ng sasakyan na illegal na nakaparada sa mga kalye at bangketa na dapat ay para sa pedestrians. (GINA GARCIA)