Saturday , May 10 2025
Rizal Police PNP

P.3-M droga nasabat
2 HVT arestado sa Rizal

NADAKIP ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mga tulak at nakatala bilang high value target sa ikinasang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 4 Disyembre.

Sa ulat ni P/SSgt. Ederico Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga suspek na sina Felipe Galono, alyas Sano, at Daria Jane Dawal, kapwa mga residente sa Marang Rd., Brgy. Maly, sa nabanggit na bayan.

Dakong 3:15 am kahapon nang maaresto ng PIU at PDEU sa drug operation sina Galono at Dawal sa naturang lugar.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 45 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P306,000; isang sling bag, at buy-bust money.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng pulisya para sa nararapat na dokumentasyon at disposisyon. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Bulacan  
2 Chinese nationals tiklo sa cybercrime

PINAIGTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon laban sa cybercrime sa buong …

Bong Revilla Jr

INC inendoso si Bong Revilla

NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa  Iglesia Ni Cristo …

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist, patuloy na isinusulong TUPAD Program ng DOLE para sa marginalized at vulnerable sectors

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang suporta nito sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers …