Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mayor & Co

Mayor & Co suportado ang OPM songs

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY bagong duo na tiyak mamahalin at susuportahan ng mga Pinoy na mahilig sa OPM songs at sila ay sina  Mayor & Co na parehong napapanood sa Barangay Pie ng Pie Channel at alaga ng Handpicked.

Sa pocket media conference nina Mayor & Co ay ipinarinig ng mga ito ang kanilang  unang single na Haharanahin.

Ayon kay Mayor siya mismo ang nag -compose ng nasabing song at bukod nga sa  Haharanahin ay marami na siyang nagawang songs. Sumali na rin siya sa mga song writing contest, pero hindi pinalad na makapasok sa finals hangang top 100 lang daw ang inaabot niya. 

Kaya naman nagdesisyon itong magkaroon ng kasama na mahusay kumanta at dito na nakita at narinig kumanta si Coco nang nagkasama sila sa Barangay Pie.

At nang marinig nitong kumanta si Coco ay nagalingan si Mayor at dito na niya ito inalok na mabilis namang umoo at doon na nabuo ang kanilang duo at ngayon nga ay ipino-promote ang kanilang carrier single na ani Coco, may recall ang lyrics at madaling sabayang kantahin. 

Inspirasyon ni Mayor ang mga OPM legend at laumaki siya na pinakikinggan ito, kaya naman suportado nito ang mga OPM song at haloa lahat ng ginawang kanta ay Pinoy na Pinoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …