Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating bansa, balik normal na naman ang mga mandurukot ngayong nalalapit ang araw ng Kapaskuhan.

Sa matataong lugar pumupuwesto ang mga mandurukot kaya babala sa lahat, ilagay sa inyong harapan ang mga bag o wallet.

Sa mga kalalakihan na ang pitaka ay nasa bulsa ang likuran mag-ingat kayo!

Isang ginang na biktima ng mandurukot sa Baclaran, mabuti na lang daw at nakapamili na siya at kaunting pera na lang ang natira sa dinukot na wallet.

Ang naging problema wala siyang pasahe, sa awa ko binigyan ko ang ginang ng P100 dahil sa Taguig City siya nauwi.

Meron din biktima naman ng mga Salisi Gang, ang ang pinamili mo na ibinaba mo lang sandali, nasalisihan na.

Iyan ang mga pangunahing problema kapag sasapit ang araw ng Kapaskuhan. Buhay na buhay ang mga mandurukot!

Kaya maging maingat ang lahat!

13th Month pay

sa mga empleyado

Naibigay na ng local government units ang 13th month pay, ‘yung iba ay may tinanggap na 14th month. At inihahanda na rin ang mga bag of groceries para sa kani-kanilang gift giving sa araw ng Kapaskuhan.

Dahil ito ang gusto ni Pangulong BBM, ang walang magugutom sa araw ng Pasko sa hanay ng mga empleyado.

Pero ‘di pa rin maiaalis ang Christmas party ng bawat departamento, naging kultura na ito ng mga Filipino kahit ipinagbabawal. Kahit saang lugar, maidaos lang ang Christmas Party! ‘Yan ang Pinoy!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …