Sunday , December 22 2024

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang mga detractor sa loob ng Internal Affairs Service para palitan si Inspector General Triambulo.

Himayin natin ang mga iwinawasiwas ng mga detractors na nakapipinsala sa tamang kairalan ng tanggapan ng IAS.

Una, ang isang empleyada na si Genevieve Lipura ay nagsampa ng reklamo noong September 5, 2022, ng kasong sexual harassment na nangyari umano noong Hulyo 14, 2021 – halos labing-apat na buwan ang nakalipas bago siya umaksiyon. Halos sumabay itong mag-ingay sa panahon ng pagpapalit ng mga hepe ng mga tanggapan ng national government agencies at department alinsunod sa Memoramdum Circular No. 1 (MC-1) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na ibakante ang puwesto ng mga coterminous ni dating Presidente PRRD.

Tama ba ‘yan? Hindi ba dapat na ang isang tao na nainsulto at nabastos ay dapat agarang magsampa ng reklamo? Sabagay, ibang klase siya. Sobrang nag-ingay si Ms. Lipura makaraang hindi siya nakalusot sa Personnel Selection Board sa kanyang inaambisyon na promosyon.

Ikalawa, tila lubhang atat-na-atat itong si Atty. Maria. Lynnberg Constantinopla. Sa sobrang gigil na makaupo bilang Inspector General ng IAS ay tila nakipagkarerahang mag-submit ng kanyang application letter noong July 5, 2022.

Malalaman na si Atty. Constantinopla ay natanggal sa puwesto sa IAS noong September 6, 2022 dahil napatunayang nagkasala ng “Inefficiency and Incompetence in the Performance of Official Duties, Refusal to Perform Official Duty, Gross Insubordination, and Conduct to the Best Interest of the Service” na isinampa laban sa kanya bilang Administrative Case No. NIAS-NMP-20-052 noong 2019.

Makatwiran ba ‘yan? Hindi ba dapat ang taga-disiplina ng pulisya ay dapat may malinis at magandang record? Kung uungkatin pa natin ang mga sablay na hakbangin nitong si Constantinopla ay hindi na magkakasya sa kolum na ito.

Ang tanong ngayon, sino ang tagapagkumpas ng mga sunod-sunod na hakbangin upang durugin ang pagkatao ni IG Triambulo at nagnanais na maalis siya sa puwesto.

Ang mga dectractors ay sobrang maingay ang pagpalahaw parang ungol ng lobo tuwing kabilugan ng buwan?

May alam kaya rito ang dating Acting Inspector General ng IAS na si Ret. Gen. Leo Angelo Leuterio na pinalitan ni Inspector General Alfegar Triambulo?

Wala naman sigurong kinalaman dito si ret. Gen. Leuterio at sa halip ay may umuugong na pangarap lang naman niyang maging full-pledged Inspector General ng IAS.

‘Yung nga lang diskalipikado siya sa puwesto dahil isa siyang dating Uniformed Police Officer na taliwas sa Charter ng PNP-IAS.

Bakit kailangang tanggalin sa puwesto ang isang mabuting tao tulad ni Triambulo, sa anim na taong panunungkulan niya ay na nakapag-dispose ang kanyang tanggapan ng 17,343 kaso na kinasangkutan ng mga tiwaling pulis ang hinatulan o niresolba ng IAS at may 40% conviction.

Sa panunungkulan ni Triambulo ay mabilis na umaaksiyon ang IAS kaya halos zero backlog ito sa case disposition kompara sa 2.1 porsiyento lamang ang natugunan sa mga pinalitan nito.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Triambulo ay nakamit ng IAS ang ISO certification at hinangaan sa kanilang mga counterpart sa America at Britania dahil naging compliant ang IAS sa itinatadhana ng Minnesota Protocol (United Nations Manual on the Effective Prevention and Investigation of Extra-legal, Arbitrary and Summary Executions).

Tinitingala na ngayon ang pagiging high morale ng organisasyon ng IAS dahil nakamit nito ang pagkilala at dignidad bilang tagapangasiwa ng Management at Disciplining Authority ng buong Police Organization.

Sa pinakapuntong usapin, ang posisyon ng Inspector General ng PNP, ang Chief PNP at lahat ng iba pang opisyal ng PNP na hinirang ng Pangulo ay hindi casual, coterminous, confidential at contractual. Ang mga unipormadong opisyal ay nagreretiro sa edad na 56 anyos, ngunit ang Inspector General ng IAS ay nagretiro sa edad na 65.

Matatandaan na si dating Inspector General Alexis Canonizado ay hinirang noong Hulyo 2, 1998, ni dating Pangulong Estrada. Nagsilbi siya katungkulan hanggang sa kanyang pagreretiro sa edad 65 anyos noong October 16, 2008, na sumasaklaw sa mga tuntunin ng dalawang Pangulo ng bansa.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …