Sunday , December 22 2024
Sanya Lopez Maegan Aguilar

Sanya pinag-aralang mabuti si Maegan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MABIGAT ang papel ni Sanya Lopez sa Magpakailanman sa Sabado dahil matindi ang kuwento ni Maegan Aguilar, paano ba niya ito pinaghandaan?

Every role na ibinibigay sa akin ay pinaghahandaan ko po. Hindi po enough ‘yung basta makabisa ko lang po ang script. I always ask kung ano ang nafi-feel ng character ko towards the scene.

“Kailangan matumbok ko ‘yun bago ko i-deliver ang lines ko. Same thing din ang ginawa ko rito sa story ni Ms Maegan Aguilar, pinanood ko po halos lahat ng videos and interviews niya.

“Kaya po iba ang pakiramdam na gampanan ang istorya po ng buhay niya,” ang sagot sa amin ni Sanya via- email.

Mapapanood sa GMA sa Sabado, December 3, ang 2nd part ng Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story.

Paano ang atake niya sa role na ito, knowing na maraming nakakakilala kay Maegan dahil isa siyang celebrity?

Inalam ko po muna ang characteristics ni Ms Maegan. Ginaya ko ang mga ‘yun. Pero when it comes sa pag-atake sa mga scene, sinunod ko na ‘yung nararamdaman ko sa eksena. Kasi napaka-importante niyon para mai-deliver mo ito ng maayos.”

Tampok din sa brand new episode ng #MPK bukod kay Sanya sina Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar, Dion Ignacio as Oliver, Jason Abalos as Xander, Jon Lucas as Lyndon, JM San Jose as Zion, Noreah Casaljay as Alyssa, Choline Bautista as Mafi, at Shyr Valdez bilang ina ni Maegan.

Sa direksiyon ni Neal del Rosario, bahagi ito ng month-long 20th anniversary ng #MPK.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …