Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
itak gulok taga dugo blood

Umawat sa away
22-ANYOS BEBOT ‘SINUNDANG’ NG KAAWAY NG NANAY

SUGATAN ang isang 22-anyos babae na umawat sa pananaga ng isang ginang na nakaaway ng kanyang nanay, sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inoobserbahan sa Philippine Orthopedic Center (POC) ang biktimang kinilalang  si Tricia Mae Lim, 22 anyos, residente sa Brgy. San Roque sanhi ng mga taga sa kanang kamay.

Kusang loob na sumuko ang suspek na kinilalang si Ruby Acuña, 47 anyos, may-asawa, residente sa M. Naval St., Brgy. San Roque, nahaharap sa mga kasong kriminal.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Reysie Peñaranda kay Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong 5:45 pm nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang nanay ng biktima at ang suspek na si Acuña sa Angeles Daungan 4, Brgy. San Roque.

Sa gitna ng pagtatalo ay umuwi ang suspek ngunit nang bumalik ay armado ng sundang o jungle bolo kaya’t tinangkang umawat ng biktimang si Lim.

Sa hindi malamang dahilan, biglang sinugod at pinagtatataga ni Acuña ang 22-anyos na si Lim, tinamaan sa kanang kamay.

Isinugod ang biktima ng kanyang nanay sa Tondo Medical Center at kalaunan ay inilipat sa POC hospital habang kusang loob na sumuko sa nagrespondeng mga tauhan ng San Roque Police Sub-station 2 ng Navotas City si Acuña, dala ang ginamit niyang jungle bolo. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …