NAKABIBILIB ang magkaibigang Loiegie Dano Tejada at Leslie Intendencia dahil isa sa nagtulak sa kanila para magnegosyo at itayo ang kanilang Ms. L’s Beauty & Wellness Corp. ay para maibahagi ang kanilang kaalaman sa pagpapaganda at makapagbigay hanapbuhay sa maraming kababayan natin.
Sa isinagawang blessings ng kanilang main office sa Westria Residences 77 West Avenue sinabi ni Ms. Loiegie na, “Kasi this is my passion. Nagkaroon tayo ng kaunting pangarap dito sa industry natin.
“Eversince noong bata pa ako, isa sa mga goal ko na magkaroon ng ganitong klase ng business para rin doon sa mga kababaihan na gustong magpaganda, na hindi naman ganoon kamahal ‘yung price namin. Affordable ito ng lahat.
“At gusto rin namin maibahagi ang aming kaalaman sa pagpapaganda dahil magtuturo kami rito (sa pamamagitan ng kanilang Beauty Academy) kung paano nga ba ang paggawa ng eyelash, same with semi permanent make-up na roon talaga kami best. ito ‘yung eyebrow 3D microblading, ombre powder brows, eyebrow repair, eyeliner, etc.
Sinabi pa ni Leslie na, “Sa learnings pa lang angat na kaya gusto naming i-share ang talent sa iba para makatulong din.”
Sa mga interesado sa Beauty Academy magtungo lamang sa kanilang tanggapan sa West Avenue.
At sa mga may problema sa mga nangingitim nang labi, may solusyon ang Ms. L’s Beauty & Wellness Corp, na kaya nilang muling papulahin. “Sa lips pwede nating gawin iyan at turn into pinkish,” sabi pa ni Ms. Leslie. “Mayroon din kami sa head na ang tawag namin ay scalp pigmentation. Lalagyan namin ng artificial hair na ang halaga ay P14k-P15K.”
Bukod kay Miss Loiegie at Miss Leslie, kasama rin nila sa pagpapatakto ng Ms. L’s Beauty & Wellness Corp. sina Mr. Gerry Gascon at Mr. Benjardi Reguero.
Sina Miss Loiegie at Miss Leslie ay parehong nagsimula bilang make-up artist na nag-aral sa Thailand, Indonesia, at Malaysia kaya naman gusto nilang ibahagi ito sa mga kapwa natin Filipino.
“Sa pagme-make up talaga ako nagsimula,” ani Ms. Leslie. “Nag-i-sponsor sa mga pageant, modeling. May mga anchor din akong naayusan.”
“Since 2018 pa kami gumagawa ng semi-permanent make-up at nag-aral nga kami sa Thailand, Malaysia, Indonesia, umiikot kami ng Asia para riyan,” sambit pa ni Leslie.
Maganda si Leslie at pwedeng mag-artista pero hindi niya iyon bet dahil katwiran niya, “hindi po ako marunong umiyak, ha ha ha. Happy lang, positive vibes.”
Sa kabilang banda, ibinahagi rin nina Leslie at Loiegie na sa susunod na taon ay magiging partner na sila ng beauty machines mula sa ibang bansa. At ang newest product nila ay ang Lipo Coffee na mismong si Ms Loiegie ang sumubok at talaga namang umepek para pumayat at sumeksi.
Produkto rin nila ang Ketodiet, Barley Juice, Bihaku, at Insulin Instant Coffee Mix,
At dahil sa pagme-make-up malayo na kapwa ang narating nina Ms. Loiegie at Ms. Leslie at kung nagawa nila ito, magagawa rin ng marami sa atin. (MVN)