Tuesday , December 24 2024
Alfred Vargas EDDYS SPPEd

Alfred Vargas lalong ganadong tumulong matapos tanggapin ang IVR award sa The EDDYS

SOBRA ang saya ni Alfred Vargas matapos tanggapin ang kanyang award sa katatapos na 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ayon sa 5th District Counselor, isang malaking karangalan para sa kanya ang mapasama sa recipients ngayong taon ng The Isah V Red (IVR) para sa The EDDYS Choice.

Ang Isah V. Red Award ay isang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red na nagsimula lamang noong nakaraang taon.

Sabi nga ng presidente ng SPEEd na si Eugene Asis (entertainment editor ng People’s Journal), “This recognition is given to individuals like him (Konsi Alfred)— a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way.”

Big honor for me ang award na ito. And to be included in the ranks of Gretchen Barretto, Kris Aquino, ABS-CBN Sagip Kapamilya at GMA Kapuso Foundation, is just so inspiring and meaningful to me. Wow! It’s such an honor! Thank you!,” masayang sabi pa ni Konsi Alfred.

Aniya pa, “Totally unexpected ang IVR Award na ito. Tuwing tumutulong ako, wala naman tayong ine-expect na kapalit. Turo sa akin ng nanay ko, helping others is its own reward.

“Totoo naman. Napakasarap ng pakiramdam kapag nakatutulong ka sa tao, ‘di ba? Kaya ako siguro inilagay ni Lord dito sa public service para mas marami pa tayong matulungan along the way.

Turo sa school noong bata pa ako, ‘to give and not to count the cost… to labor and ask not for reward.

“Mas ganado pa ako ngayon na lalong paigtingin ang mga project sa distrito because of this award,” sambit pa ng magaling na aktor at producer.

Nasabi rin ni Alfred na naging emosyonal siya nang mapanood ang In Memoriam segment sa 5th The EDDYS. Isa-isang kasing ipinakita ang mga yumaong personalidad sa mundo ng showbiz kabilang na ang mga miyembro ng media.

Grabe, naiyak talaga ako sa tribute part lalo na when I saw Ricky Lo, Ricky Calderon, Shalala and the others, sobrang nakalulungkot,” aniya.

Sa kabilang banda, gagawa na uli si Alfred ng pelikula sa susunod na taon, 2023.

 “Balik-pelikula ako next year and I’m very excited about this. I’ll do at least one film next year and kung swertehin, baka tatlo pa.

“I even got more inspired last night seeing the likes of Kuya Ipe (Phillip Salvador), Ms. Alma Moreno, Roi Vinzon, Ms. Divina Valencia, dedicate their lives and careers for the love of Philippine cinema.”

Pinarangalan bilang Icon awardees ng The EDDYS ngayong 2022 sina Phillip Salvador, Roi Vinzon, Divina Valencia, at Alma Moreno.

“Ang dami nilang nagawa. Nakabibilib ang body of work nila. I hope one day magaya ko sila. Lalo ang sarap mahalin ng industriya because of great examples like them,” giit pa ng aktor.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …