Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Randy Santiago

Randy excited nang magdirehe sa ALLTV

HINDI pa tiyak ang pagsama ni Randy Santiago sa kaibigang Willie Revillame sa ALLTV kahit ineengganyo na siyang sumama sa kanya.

Sa pakikipaghuntahan namin kay Randy sa isinagawang Showbiz Caravan ng mga Kapatid Star sa Bulacan, sinabi niyong hindi pa tapos ang kanyang kontrata sa TV5

My contract with TV5 is until the end of the year pa. Gusto ni Willie na magkasama kami uli. I heard magkakaroon din ng sariling noontime show ang ALLTV, but as of now, nothing is definite,” paliwanag ni Randy.

Willie has plenty of ideas at gusto rin niyang magdirehe ako for them. So, nothing is sure yet. Marami siyang naiisip dahil medyo maluwag ‘yung timeslot ng ALLTV, so kahit ano ang maisip natin, puwedeng ilagay.

“Of course, iba ang fulfillment ng pagiging direktor pero if you’re talking of trabaho, iba ‘yung host ako at saka kumakanta, iba ‘yung umaarte ka, iba ‘yung nasa harap at nasa likod ka ng kamera.

“Masyadong malaki kasi ang responsibilidad kapag direktor ka kaya kailangan magandang-maganda ang produkto mo,” sambit ni Randy.

Sinabi naman ni Randy ukol sa show niya sa TV5, ang Sing Galing, “As of now, nasa TV5 pa rin ang focus ko, so don’t miss the finals of ‘Sing Galing’. Promise, hindi kayo magsisisi.”

Sobrang proud si Randy sa Sing Galing, “Sobrang galing ng lahat ng contestants. Maging ‘yung sa kiddie edition o ‘yung sa adult edition. Grabe!

“Lahat sila, so impressive, nakatutuwa. Lahat sila, pang grand finals, eh. ‘Yung finals for the kids is on December 3 and ‘yung sa regulars, December 10,” sambit pa ng singer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …