Monday , December 23 2024
Carl Balita Siglo ng Kalinga

Mga Nurse na bibida sa Siglo ng Kalinga sumabak sa matinding acting workshop

TIYAK marami ang makare-relate sa bagong pelikulang handog ni Dr Carl Balita, ang Siglo ng Kalinga na tumatalakay sa istorya ng mga Nurse.

Ang pelikula na handog ng Dr. Carl Balita Productions (CBP), sa pakikipagtulungan ng Philippine Nurses Association o PNA ay gagampanan ng mga totoong Nurse. Hango kasi ito sa life story ni Anastacia Giron Tupas, ang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922 at pagkalipas ng ilang taon, ang FNA ay naging PNA.

Ang Siglo ng Kalinga ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.

Bibida sa pelikula na gaganap bilang Anna Formantes si Joy Ras na emosyonal nang ipakilala sila sa cast reveal na isinagawa kamakailan.

Kasama rin sa pelikulang pinamahalaan ni Lemuel Lorca (direktor din ng Maestra, Echorsis, Ned’s Project, Sunday Night Fever) sina Abbey Romero, Denmark Mismanos, Jewell Alano, Lorrich Del Tantoco, Joel Rey Carcasano, Jerico Roque, Dre Canaria, Bambi Rojas, VJ Mendoza, Tads Obach, Ms. Irma Bustamante, at Ms. Lydia Palaypay.

Emosyonal na pagbabahagi ni Joy, “Nurses are like actors too, we do our jobs everyday and try not to show much emotions especially when we get affected when someone dies, we feel and remember patients when that happens. Our jobs as nurses in a way equate to acting experience.”

The PNA is celebrating it’s 100 years, so ano, centennial and we would like to immortalize the stories of the nurses, especially in the middle of this pandemic and that became the inspiration to us to immortalize the celebration, through a film,”

sambit ni Dr Carl.

Sinabi pa ni Dr Carl na puro Nurse ang kinuha nilang gaganap sa kanilang pelikula dahil, “Kasi baka hindi ninyo alam, talented ang mga nurse. Sa akin, I’d like to put the spotlight on these actresses who are potential stars. Malay n’yo thru this film, may mag-emerge na isang Best Actress and Best Actor na nurse, we would love that.”

Dumaan din sa matinding acting workshop ang mga nurse-turned actor sa ilalim ng pamamahala ng award-winning actress na si Angeli Bayani.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …