MA at PA
ni Rommel Placente
ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December 25 ang pelikulang My Father, MySelf, mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, at idinirehe ni Joel Lamangan.
Bida rito si Sean de Guzman at Jake Cuenca. Kasama rito si Dimples Romana, na gumaganap bilang asawa ni Jake. Isa rin sa cast dito si Tiffany Grey.
Masaya si Dimples na nakatrabaho niya ulit sina direk Joel at Jake.
Sabi ni Dimples sa grand presscon ng My Father, Myself, “I’m super, super happy. I’m happy kasi I got to work with Direk Joel and Jake again and this time nakatrabaho ko na rin si Tiff and si Sean.
“I love Jake, para ko na siyang kapatid. So it really makes me happy to see na ang dami niyang work today. Sobrang professional ni Jake, talagang ibibigay ko sa kanya iyan.
Puring-puri rin ni Dimples si Sean.
“Ang cute-cute ni Sean, ang bait-bait ng batang iyan. At saka tahimik lang iyan sa set pero pagdating ng eksena namin, ready na siya. Mas nauna pa nga siya maging ready kaysa akin.”
R-18 ang binigay na rating ng MTRCB sa My Father, MySelf kung kaya’t di ito mapapanood ng mga bata at hindi maipalalabas sa SM Cinemas.
Gayunman, inirerespeto ni Dimples ang naging desisyon ng MTRCB.
“Ako naman, that’s beyond my work siyempre, and tayo inirerespeto natin all the authorities na siyempre na there’s censorship.
“Kagaya naman ng sinabi ng head of our ship na si Direk Joel, we always respect that.”