MATABIL
ni John Fontanilla
ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores.
Inspirasyon nito ang mga dating sexy star na mula sa paghuhubad ay kinikilala na ngayon ang husay sa pag-arte tulad nina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, kaya naman hindi siya nawawalan ng pag-asa na someday ay magiging katulad niya ang dalawang aktres.
Sa ngayon ay magbibilad muna siya ng katawan at totodo sa pagpapa-sexy at daring scenes na sasabayan ng husay sa pag-arte para mapansin.
Sa pinagbibidahang pelikula, totodo ito sa pagpapa-sexy na sasamahan niya ng husay sa pag-arte.
Bale pangatlong pelikula na iyon ni Francesca na aniya’y halo-halo ang mga love scene na mapapanood. May bisexual, girl to girl, at girl to boy. Kaya naman lahat ay mag-eenjoy sa kanilang pelikula.