MAS pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown na magtatapatan ang pinakamagagaling na mga chorale group mula sa mga barangay ng Maynila, Valenzuela, Quezon City, at Marikina.
Inaanyayahan ang lahat sa isang trade fair-like event na tampok ang ilan sa pinakamagaling na chorale groups ng Metro Manila. Sampung grupo ang maglalaban simula Nobyembre 19 sa isang barangay sa Maynila, Nobyembre 20 sa Valenzuela City, Nobyembre 26 sa Quezon City, at Nobyembre 27 sa Marikina City. Ang mga magiging hurado ay mga celebrity guest, mga opisyales ng bawat local government units, at guest judge na magbibigay ng performance at saya sa mga manonood.
Ang dalawang grupo na mananalo sa bawat syudad ay tatanghalin bilang Top 8 at mabibigyan ng pagkakataong makasama sa Grand Finals na gaganapin sa Ayala Malls Feliz sa Disyembre 17. Ang mga papremyo ay P300,000 plus PBA singing appearance para sa 1st Prize; P150,000 naman para sa 2nd Prize; at P100,000 para sa 3rd Prize. Ang iba namang finalist ay makatatanggap ng P10,000 bawat grupo.
Ang chorale competition na ito ay partnership ng TV5 sa Joy Expert Dishwashing Liquid. Special thanks din para sa Sting, Milkita Lollipops & Candy, Flanax, Paracetamol Tempra, Alaska, Eden, Dr. S. Wong’s Sulfur Soap, C2, Knorr, at sa Ayala Malls Feliz bilang opisyal na venue partner para sa Grand Finals.
Ang Sama-Samang Tinig ng Pasko ay isa sa activities ng 2022 Christmas campaign ng TV5. Noong 2021, nanguna ang Kapatid Network sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa pagsisimula pa lamang “Ber Months.” Ang Christmas theme ng festivities ngayong taon ay nakasentro sa mensahe ng TV5 na Iba’ng saya Pag Sama-Sama!