Thursday , November 14 2024
SPEEd EDDYs Nominees

Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET;
sino-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

MAGKAKAALAMAN na ngayong gabi kung sino-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Magaganap ang 5th The EDDYS tonight, November 27, sa Metropolitan Theater (MET) na ididirehe ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra

Ang premyado ring TV personality at talent manager na si Boy Abunda ang magsisilbing host ng pinakaaabangang awards night ng The EDDYS ngayong taon.

Bukod sa announcement ng pinakamagagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie, at Miss Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.

Tiyak na mainitan at mahigpitan na naman ang magiging labanan para sa iba’t ibang kategorya ng The EDDYS ngayong taon. 

Nominado para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions); Big Night, (IdeaFirst Company); Dito at Doon(TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment); at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

SPEEd EDDYs Best Film

Bakbakan naman para sa Best Director category sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red (Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

Sa pagka-Best Actress, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam);  Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

SPEEd EDDYs Best Actress

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

SPEEd EDDYs Best Actor

Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon).

SPEEd EDDYs Best Supporting Actress

Samantala, magpapatalbugan sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon(The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)sa Best Supporting Actor category.

SPEEd EDDYs Best Supporting Actor

Sampung tinitingala at nirerespetong alagad naman ng sining ang bibigyang-pagkikilala bilang Icon awardees ngayong 2022.

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

Ang 5th The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga de-kalibreng  aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

SPEEd EDDYs Icons
SPEEd EDDYs Icons 2

Para sa special awards ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle awarday ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

Para sa Isah V. Red Award, pararangalan sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation, at Sagip Kapamilya.

Bibigyan din ng Posthumous Award sa Gabi ng Parangal ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at ang tinaguriang La Primera Contravida at isa ring premyadong movie icon na si Cherie Gil.

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan at ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.

Kabilang naman sa mga sponsor ng 5th EDDYS ang Nathan Studios, Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay. 

Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation Of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, Bataan Rep. Geraldine B. Roman, Mayor Joy Belmonte, Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma, MullenLowe Treyna Inc., Browne Communications, at kasama pa ang Cetaphil, Avon, Dermclinic, at Watsons.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna niEugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente. 

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …