Friday , December 6 2024

Makataong anti-illegal drug campaign ni PBBM, nakaisa ng shabu lab

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PUWEDENG-PUWEDE naman pala e. Ang alin? Ang malinis na pagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na droga. Iyong bang hindi na kailangang mayroon pang mapatay o pinatay na inaarestong sangkot sa sindikato.

Kunsabagay, una pa man ay nagsabi na si Pangulong Bongbong Marcos na magiging malinis ang kanyang gagawing pagpapatuloy ng gera laban sa ilegal na droga na naging masalimuot noong nagdaang administrasyon.

Malinis, ibig sabihin ay hindi dadanak ang dugo – walang mapapatay o papatayin at sa halip ay pipiliting kunin nang buhay ang mga aarestohing sangkot sa ilegal na droga.

Makikita at maraming beses na rin napatunayan na talagang puwede ang direktiba ni BBM. Simula nang maupo siyang Pangulo ng bansa ay sunod-sunod na rin ang mga malakihang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa droga. Hindi lang hanggang milyong halaga ng mga ilegal na droga ang nakompiska sa malinis na anti-drug operation kung hindi umaabot hanggang bilyon… at ang pinakamaganda sa mga isinagawang operasyon ay nadakip nang buhay ang mga suspek –  matatandaan ngang isang pulis ang nadakip kamakailan. Yes, buhay siyang nadakip ganoon din ang iba pang naaresto na nakompiskahan ng milyon hanggang bilyong halaga ng shabu.

Isa pa sa pinakamaganda ay buhay na buhay at nakakulong pa rin ang mga nadakip kaya nakukuhaan ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa pagkakalat ng droga o transaksiyon ng kani-kanilang sindikato. Hindi tulad nga noon na parating patay ang mga suspek — kasi nanlaban daw.

Heto nga e, nitong nagdaang linggo, ang malinis at makataong kampanya sa droga ni Pangulong Marcos Jr., ay nagkaroon na naman ng magandang resulta. Sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at PNP ay isang shabu lab ang natuklasan sa isang kilalang subdibisyon sa Muntinlupa City.

Sa ulat ni PDEA Deputy Director General Gregorio Pimentel kay Pangulong FM Jr., nadakip sa operasyon ang isang French national na si Aurelien Cythere at alalay niyang Pinoy na si Mark Anthony Sarayot.

Ayon kay Pimentel, matapos ang mahigit na isang buwang pagmamanman, nitong 18 Nobyembre 2022, sa bisa ng serach warrant ay sinakalay ng kanyang mga tauhan ang tahanan ng French national sa Mabolo St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Sa pagpasok ay tumambad ang tumpok-tumpok na mga tray ng hinihinalang shabu sa isang kuwarto ng bahay. Umaabot sa 20 kilo ng shabu ang nakompiska na bagkakahalaga ng P136 milyon. Nakompiska rin ang mga kagamitan para sa paggawa ng shabu.

Sa pamamagitan ng mga nakompiskang kagamitan, kinompirma ni Pimentel na isa ngang pagawaan o shabu lab ang lugar.

“As you can see this is a shabu laboratory. And as explained a while ago by the suspect. They have brought those cannisters, water gallons, these solid forms is mixed with a liquid solution. Their Filipino contacts have connection which we believe are involved in importation, in Philippine customs,” pahayag ni Pimentel.

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA jail facility habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Iyan ang tama at makataong anti-drug operation, ang makuha nang buhay ang mga suspect dahil puwede naman. At least sa pagkadakip sa dayuhan, maaari o malaki ang tsansa pang makakuha ng magandang imporamsyon ang PDEA at PNP sa suspek – maaaring ikanta pa ang iba’t ibang transaksiyon ng kanilang sindikato. At sa pagkanta ay mapadali ang pagsawata ng mga awtoridad att ma-intercept ang mga plano ng sindikato.

Sa pagkakasawata sa mga plano ng sindikato ay maraming kabataan ang inaasahang maililigtas sa kapahamakan dulot ng ilegal na droga.

O ano, hindi ba mas maganda ang makatao at malinis na paraan sa pagpapatupad ng gera laban sa ilegal na droga?

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …