MATABIL
ni John Fontanilla
NILAIT ng netizens si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang magluto ito at kumain ng Ilocos empanada kasama si Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc.
Noong eleksiyon ay very vocal si Catriona sa pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo kaya naman sa Twitter ay sinumbatan ito ng isang self-confessed kakampink dahil sa pakikihalubilo sa anak ni Sen. Imee Marcos na si Mattew.
Comment nga ng ilang kakampink patama kay Catriona:
“I just saw Catriona Gray on the internet that she had with the extended family of Blengblong.”
“I’m disappointed with her, kasama niya ‘yung Matthew Marcos sa Ilocos Norte. Ano ginagawa n’ya don? Wala ba siyang natitirang kahihiyan para kay Atty. Leni (Robredo)?”
Deadma na lang si Catriona at Matthew at ‘di na pinatulan ang mga Leni supporter.