Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Lotlot de Leon Christopher de Leon

Lotlot ikinasiya nominasyon nila nina Boyet at Janine sa The EDDYS

RATED R
ni Rommel Gonzales

TUWANG-TUWA si Lotlot de Leon dahil tatlo silang magkakapamilya na nominado sa iisang award-giving body, ang The EDDYS ng SPEEd.

Kapwa nominee ni Lotlot ang daddy niyang si Christopher de Leon para sa pelikulang pinagsamahan nila, ang On The Job: The Missing 8 na nasa Best Supporting Actress category si Lotlot at si daddy Boyet naman niya ay kasama sa listahan ng mga nominee sa Best Supporting Actor.

At siyempre pa, proud mommy si Lotlot dahil nominado ang panganay niyang anak na si Janine Gutierrez bilang Best Actress para naman sa pelikulang Dito At Doon.

Ang saya,” ang bulalas sa amin ni Lotlot nang makatsikahan namin. “‘Yung ma-nominate kaming tatlo, nakakataba na ng puso, isang malaking karangalan na para sa amin.”

Kung papipiliin siya, sino sa kanilang tatlo ang nais niyang manalo sa gabi ng parangal, ang daddy niya, siya o si Janine, o silang tatlo?

Kung sino ang sa palagay ng mga hurado ang dapat manalo, roon tayo,” ang nakangiting wika ni Lotlot.

Ang The EDDYS ay mula sa samahan ng mga entertainment editor na SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors (kabilang ang entertainment editor nitong HATAW na si Maricris Valdez) at gaganapin ang kanilang awards night sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …