Monday , December 23 2024
Kim Chiu Ryan Bang

Kim at Ryan masusubok galing sa pagho-host ng reality show

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang pasasalamat kapwa nina Kim Chiu at Ryan Bang dahil parte sila ng bagong programa ng ABS-CBN, ang Dream Maker—the search for the next global pop group.

Sa isinagawang media conference kamakailan aminado si Kim na malaking bagay/tulong na naging parte sila ng Pinoy Big Brother sa bago nilang sasabakang show, ang Dream Maker na may partnership sa Kamp Korea at MLD Entertainment.

Kapwa alumni ng PBB sina Kim at Ryan at simula nang lumabas sila sa bahay ni Kuya, masasabing malayo na ang narating nila lalo na si Kim. Isa sa pinakasikat na aktres si Kim at marami na siyang show na siyang serye at pelikulang pinagbidahan.  

Si Kim bale ang main host ng Dream Maker at si Ryan naman ang co-host. Malaking parte ang gagampanan ni Ryan lalo kung ang mga contestants, na ang tawag ay Dream Chasers, dahil siya ang magtra-translate ng mga sinasabi ng mga ito para maintindihan ng mga Dream Mentors, na karamihan ay Koreans. 

“Malaking bagay na naging parte ako noon ng PBB at ng Showtime. Malaking tulong ito sa akin kasi nga reality show itong sasabakan namin,” ani Kim.

Sinabi pa ni Kim na nakikita niya ang sarili niya sa mga auditionee dahil minsan din siyang dumaan dito bago naging isang matagumpay na aktres/host. 

“We also have a dream to be seen on TV, a dream to fulfill the needs of our family. Mayroon din kaming gustong maabot na pangarap. And, nakikita namin ‘yun sa mga Dream Chaser na sumasali ngayon na nandoon talaga ‘yung pagpupursige,” pagbabahagi pa ni Kim.

“Gusto ko lang makatulong sa show. Natutuwa ako. Dahil sa ‘Pinoy Big Brother,’ natupad ‘yung pangarap namin (ni) Kimmy. Talagang itong Dream Maker, tama ‘yung pangalan ng show kasi matutupad ‘yung mga pangarap ng Filipino na gusto nila maging global icon. Hindi ito biro,” sabi naman ni Ryan na magsisilbilgn tulay sa mga Korean mentor at Dream Chaser.

Itatampok sa Dream Maker ang 62 young male hopefuls (edad 13-22) na sasailalim sa masinsinang training at magpapakita ng kanilang galing sa pagpe-perform para makasama sa final group. Pito ang mapipiling Dream Maker na sasailalim pa rin sa training sa South Korea at doon sila opisyal na ilulunsad.

Makakatulong ng mga Dream Chaser para maabot nila ang kanilang tagumpay ay ang mga Pinoy ag Korean mentors na sina Angeline Quinto (Philippine power diva), Bailey May (Now United member), Darren Espanto(international performer), Thunder (MBLAQ member), Bae Wan Hee (Momoland at Lapillus choreographer), Bae Yoon-jun (Produce 101 dance mentor), Seo Won-jin (composer of K-pop hits), Bullseye! (composer), at Jea(Brown Eyed Girls vocalist).

Nauna nang sinabi ni Laurenti Dyogi na seryoso sila sa pagtuklas ng mga bagong talento at maipakita ito sa international arena.  “We’re really serious about getting into the international arena. We’re looking at all ways and means to get the Filipino artist, the Filipino talent to be recognized globally,” sambit ng Star Magic head.

“We’re very happy to have partners who recognize that Filipinos are very talented and that we can compete globally. This is one step. With our two new partners, it will be easier, faster, better for us to get to the global arena at the shortest possible time.”

Mapapanood ang Dream Maker tuwing Sabado at Linggo na magsisimula sa Nobyembre 19 sa Kapamilya Channel, A2Z, and Kapamilya Online Live. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …