Friday , November 15 2024
Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

 ‘Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis dahil sa tangkang ‘sextortion’ sa isang apartel sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 12 Nobyembre.

Kinilala ni IMEG Director P/BGen. Warren de Leon ang suspek na si Pat. Julius Ramos, nakatalaga sa Service Support Division, Intelligence Group sa PNP Headquarters, Cramp Crame.

Huli sa akto ang suspek sa ikinasang entrapment operation dakong 12:30 am kamakalawa sa loob ng isang apartel, sa Brgy. Mangahan, sa nabanggit na lungsod, habang kasama ang nagreklamong babae na hindi na pinangalanan.

Nabatid na inireklamo ang pulis ng kanyang dating karelasyon matapos siyang pagbantaan na ikakalat ang kanilang mga maseselang video kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya.

Kasalukuyang nakakulong sa IMEG-NHQ Custodial Facility sa Camp Crame ang suspek at nahaharap sa kasong administratibo at mga kasong kriminal gaya ng grave coercion, kasama ang paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Republic Act 9995 o Photo and Video Voyeurism. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …