Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carillo Showroom Rob Guinto

Paghuhubad ni Quinn ikinagalit ni Direk Joel

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Quinn Carillo na sa pelikulang Showroom, na palabas na sa Nobyembre 11 na idinirehe ni Carlo Gallen Obispo una siyang nag-daring. Si Quiin ang sumulat ng istorya at ginagampanan niya ang karakter ni Liezl na isang real estate agent na dahil sa tayog ng pangarap nakagawa ng hindi naaayon sa kanyang trabaho. Kasama niya rito si Rob Guinto na isa ring real estate agent. 

Bago pa man ang private screening noong Martes, nasabi na ni Quinn sa mga media conference ng pelikula na mula himpapawid hangang lupa ang ginawa niyang sex scene. At siya namang tunay dahil talagang bumigay na ang aktres/script writer. Hubad kung hubad at hindi nagpatalo kay Rob sa mga sex scene.

At dahil sa ginawang pagpapa-sexy ni Quinn, nalaman naming napagalitan pala siya ng premyadong direktor na si Joel Lamangan. Ani Quinn, “‘Yung pagpapa-sexy pinagalitan ako ni direk Joel like totoong pinagalitan niya ako. At sinabi ni direk na next time haharangan na niya ako kapag nagpa-sexy pa ako. Pero may point naman siya. Pero kapag siguro with the right material I would fight for it naman. If the material calls for it.” 

Ipinaliwanag din ni Quinn kung bakit niya ibinigay ang role ni Liezel sa kanyang sarili. “Super trusted ko naman si Direk Carlo and we talked kung paano iyong magiging process,” anito.

Bagamat first time nagpaka-daring hindi naman nahirapan si Quinn. “Tiniyak kasi ni direk Carlo and everyone in the production na I’m safe and comfortable on the set. At first siguro medyo nangangapa ako pero noong mga sumunod na okey na kasi sunod-sunod ang mga sexy scene. At ang unang kinunan sa akin ay iyong unang scene na napanood ninyo na sobra-sobra talaga ang ginawa ko,  ha ha ha,” kuwento pa ni Quinn.

Inilahad pa ng batang aktres na, “Noong ginagawa ko ang istorya na ito for some reason, mas nakare-relate hindi naman naka-relate dahil na-experience ko iyong nangyari kay Liezl, ewan ko siguro may calling sa akin si Liezl, and it’s something na I want to do iyong bida-kontrabida role, eversince kaya rin siguro inilaban ko if I could play this part kasi I really want to and I know I can.” 

At nang tanungin namin kung ano ang sey ng kanyang inang si Len Carillo na siyang may-ari ng 3:16 Media Network at manager niya,  sinabi nitong, “napanood naman niya siguro. Kung anong comment siguro ni mami it’s not really relevant kasi my work life is different from my personal life. And I’m old enough. Sa amin na lang dalawa siguro iyon kung ano man ang mga masasabi niya for that.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …