MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naibigan ng netizens nang gayahin ng Kapuso aktor na si Martin Del Rosario ang hitsura ng US serial killer na si Jeffrey Dahmer para sa kanyang Halloween look at i-post nito sa Instagram.
At dahil dito umani ng sangkatutak na batikos at negatibong komento ang aktor, kaya naman agad-agad na binura niya ito.
Taong 1978-1991 sinasabing pinaslang ni Dahmer ang 17 kalalakihan, ilan dito ay mga teenager.
Ilan nga sa komento ng netizens, “Serial killer is not a costume!!”
“Sick and stupid is apparently this year’s theme for Halloween,” sunod na segunda ng isa pa.
“Kina-cool mo yan????? YIKES!”
“If sa tingin niyo, ok lang ang Dahmer as costume, paki Google nalang kung bakit hindi yun okay. Di ko responsibility mag explain.”
“Stop romanticizing serial killers. There’s a difference between portraying a horror movie character & a real life serial killer. San utak mo?”
“Baka di mo alam na totoong mamamatay tao yang “costume” mo at pumatay ng totoong tao yan? Parang nagsuot ka ng costume ng mga mamamatay tao rito sa Pilipinas.”
“Disgusting! Ewwwww.”
“This is so ignorant to dress up as a real-life serial killer!”