Sunday , December 22 2024

Sinalanta ni “Paeng” sa Tuguegarao, hindi iniwanan ni Mayor Ting-Que

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKABIBILIB talaga si Tuaguegarao City Mayor Maila Ting-Que, anak ng dating alkalde na si Delfin Ting.

Bakit? Talagang hindi niya iniwanan ang kanyang mga konstituwent na sinalanta ng bagyong si Paeng simula Biyernes hanggang makalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo nitong nakaraang Undas.

Umpisahan natin sa ganito. Biyernes (28 Oktubre 2022) batid natin na kasagsagan ng pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Paeng, hindi lamang sa Cagayan Valley kabilang ang Tuguegarao City dito, gayon din sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bagamat, hindi pa kalakasan ang ulan sa Tuguegarao pero halos walang tigil kaya pinakilos na ni Mayora ang kanyang mga tauhan sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) para magsagawa ng monitoring sa mga barangay na madalas o inaasahang babahain.

Hindi lamang monitoring ang isinagawa, at sa halip ay nagbigay na rin sila ng babala sa mga residente na maghanda-handa na rin para sa paglikas o huwag nang hintayin pang tumaas ang baha bago lumikas.

Ilikas ang mga importanteng kagamitan lalo ang mga alagang hayop na ikinabubuhay ng marami at siyempre,  unahing iligtas ang sarili.

Kinabukasan, dahil sa walang tigil ang pagbuhos ng ulan, nagsabi ang pamunuan ng National Irrigation Authority (NIA) na nakatakdang magbukas ng pitong gate ang Magat Dam. Hayun, ang babaeng alkalde ang nanguna mismo sa pagpunta sa mga barangay para kombinsihin ang mga residente na magsilikas na…yes, force evacuation na ang ipinairal na idinaan sa makataong paraan.

Inaasahan kasi sa Tuguegarao City na napapalibutan  ng Cagayan River na sa tuwing bumabagyo at magre-release ng tubig ang Magat Dam ay nagkakaroon ng malawakang pagbaha, hindi lamang sa Tuguegarao City kung hindi maging sa karatig bayan at lalawigan tulad ng Isabela. Ang Magat Dam ay nasa Isabela.

Nasaksihan natin na mismong si Mayor Ting-Que ang nanguna sa pagpapalikas katulong ang puwersa ng mga personnel mula sa iba’t ibang barangay, pulisya, at mga konsehal din.

Hindi lang paglikas ang pinangunahan ni Mayora kung hindi maging ang pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta.

Ngayon, dahil sa mabilisang aksiyon ni Mayora sampu ng mga konsehal, mga tauhan ng CDRRMC, mga opisyal at tauhan ng barangay, pulisya, TODA at iba pang pribadong sektor, mabilis na nailikas ang mga residente bago pa tumaas ang baha mula sa Magat Dam o malubog sa baha ang kani-kanilang bahay – nagawa nang mailigtas ni Mayora ang kanyang mga konstituwent maging ang kani-kanilang hayop na pinagkakakitaan o katuwang sa hanapbuhay bago malubog sa baha.

Sa ipinamalas na hakbangin ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa panguinguna nga ni Mayora Ting-Que, ang good news dito ay walang naitalang namatay o missing sa sakuna. Correct me if ‘am wrong.

Siyempre, hindi lamang paglikas ang ginawa ng LGU, kung hindi walang tigil din ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga nasalanta partikular ang pagkain.

Bagamat, talagang maraming pananim ang winasak ni Paeng.

Hayun, hanggang kahapon kahit wala na si Paeng nananatiling baha pa rin sa mga barangay – Gosi, Atulayan, Linao, Annafunan, Balzain, Buntun, Riverside, Bagumbayan, Cataggaman, Palua, Bagay, at patuloy ang pagbibigay ng LGU ng relief goods sa mga nasalanta.

Sa pakikipagharap ng alkalde sa publiko, kanyang pinaaalahanan ang mga mamamayan na sa tuwing may darating na bagyo o sakuna ay magsagawa ang lahat ng pre-emptive evacuation at huwag nang hintayin pa ang trahedya bago kumilos.

Pinasalamatan din ng alkade ang mga tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD); PAGCOR at sa ilang pribadong sektor.

Sa iyo Mayor Ting-Que, sampu ng bumubuo ng Tuguegarao City Local Government Unit, Tuguegarao Police Office, Cagayan PPO, TODA, maraming salamat sa inyong kabayanihan. God bless…salamat po Panginoong Diyos sa kaligtasan ng bawat isa.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …