Sunday , December 22 2024
agri hungry empty plate

‘Nagugutom’ steady sa marcos admin — SWS

HINDI nadaragdagan o nababawasan ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom mula nang maupo bilang Pangulo si Ferdinand Marcos, Jr., batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

               Ayon sa SWS survey na inilabas noong 29 Oktubre, sa ilalim ng administrasyong Marcos ay hindi gumagalaw ang bilang ng mga nagugutom o hunger rate mula sa 11.6% hanggang 11.3%.

               Sa nakaraang survey na isinagawa sa huling termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo, ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom ay nasa 11.6%. Ang parehong hunger rates ay tinatayang katumbas ng 2.9 milyong pamilya.

Ang pinakahuling survey ng SWS ay isinagawa mula 29 Setyembre hanggang 2 Oktubre, ng face-to-face interviews sa 1,500 Filipino.

               Para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, ay mayroong 300 respondents sa bawat lugar, habang ang Balance Luzon (Luzon areas sa labas ng Metro Manila) ay mayroong 600 respondents.

Tumaas ang hunger rate sa Metro Manila mula 14.7% (501,000) ng mga pamilya hanggang 16.3% (558,00), ayon sa survey.

               Tumaas rin ito sa Mindanao, kung saan mula sa 14% (816,000) mga pamilya ay umabot sa 15.3% (893,000) na nagsasabing nagugutom sila.

Sa Visayas, ang hunger rate ay tumaas ng 1.3 puntos, mula sa 5.7% (272,000) ay 7%(336,000) mga pamilya ang nagsabing nagugutom sila, ayon sa SWS.

Gayonman, binawasan ng Balance Luzon, na may pinakamalaking pool ng mga respondent, ang hunger rate nito ng 2.3 puntos, mula 11.9% (1.4 milyon) ng mga pamilya ay naging 9.6% (1.1 milyon).

Naging sanhi ito ng pangkalahatang hunger rate na lumiit sa 0.3 pagbaba. Tungkol sa antas ng kagutuman, 9.1% (2.3 milyon) ng mga pamilyang Filipino ang nakararanas ng “moderate hunger,” na tinukoy sa SWS survey bilang isang beses o ilang beses lang nakararanas ng gutom.

               Samantala, 2.2% (573,000) ng mga pamilya ang nakararanas ng “severe hunger,” na madalas o palaging nakararanas ng kagutuman. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …