HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISANG malaking happening ang inaasahang magaganap sa katapusan ng buwan ng Nobyembre (30) 2022.
Sa sandaling maaprubahan ang city ordinance na idinulog ni Dr Michael Aragon sa ilang Konsehal at Kongresista ng Quezon City para gawing Hollywood Lane ng bansa ang kahabaan ng Sct. Borromeo tungo sa EDSA.
Ibinahagi sa amin ni Doc Michael ang naturang kopya ng ordinance.
AN ACT COVERTING SCT. BORROMEO STREET, QUEZON CITY INTO THE “HOLLYWOOD LANE” OF THE PHILIPPINES.
A City Ordinance converting the entire street of Scout Borromeo located at Barangay South Triangle, DIstrict 4, Quezon City into a center/ landmark ( “Hollywood Lane” of the Philippines) dedicated to support activities related to filmaking/movie industry, entertainment arts and culture and to provide a FREE ZONE where artists and filmakers alike will be able to shoot and create movies “Permit Free” in the said area/ zone and to allocate funds and resources needed to create, operate, sustain and support this so called “Hollywood Lane of the Philippines ” into a novel tourist spot/ destination for both celebrities and their fans from the entire country.
Sa pagsasara ng pag-obserba sa National Clean Air Month idaraos ang Celebrities Atbp…Laban sa Climate Change/Emergency na tatampukan ng celebrities at ihahain sa madla ng libre. Makakapanood sila ng concerts, stargazing, cosplay at sari-saring aktibidades mula 8:00 p.m.-5:00 a.m. ng susunod na araw.
Prelude na ito marahil sa plano rin ni Doc Aragon na isagawa sa kanyang bayan sa Guimaras para naman sa isang mala-Woodstock na proyekto.
Umiingay ang ngalan ni Doc Aragon. Ang nasa likod ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) na humuhulma ng mga bagong artista at nagpo-produce ng mga advocacy film na ninanais na ipapanood sa buong mundo.
Natapos na ang unang pelikulang iikot sa filmfests abroad, ang SocMed Ghosts. At sisimulan na ang Thanks for the Brokenheart.
May social relevance ang tema ng bawat pelikula. Tungkol sa climate change, poverty, child prostitution, at marami pa.
Ang nakagaganap na rin sa iba’t ibang serye sa telebisyon, gaya ng FPJs Ang Probinsyano na si Chase Romeroang nabigyan ng malaking papel sa dalawang proyekto.
Maaalala siya sa Coco Martin serye dahil siya ang tila kanang kamay ni Geoff Eigenmann sa kanilang Black Ops na tumutugis kay Cardo Dalisay.
Sa ikalawang proyekto niya, May-December affair ang sasalangan niyang istorya. Gaganap siya bilang isang reporter na magkakaroon ng kaugnayan sa isang frontliner (doktor) na gagampanan ni Rey Abellana. At may ikatlo sa magiging relasyon nila in the person of Aica Veloso.
Marami ang makare-relate sa mga istoryang isinasalin ni Doc Aragon sa pelikula na sinisiguro niyang makatutulong sa bawat isa sa atin.
Sa naganap sa Itaewon, South Korea na stampede noong Halloween, sisiguruhin naman ng grupo ni Doc Aragon na all measures would be taken to ensure the safety of everyone sa aantabayanang overnight concert sa ninanais na italagang Hollywood Lane hindi lang ng Q.C. kundi ng buong bansa!