MATABIL
ni John Fontanilla
KAILANGAN daw mag-ingat ang mga sikat na personalities sa pagpo-post sa kani-kanilang social media accounts at kailangan munang pag-isipang mabuti ang mga ipino-post dahil ang kasikatan ay temporary at hindi lifetime.
Ani Kuya Kim, “Fame is so fleeting, so temporary.
“Ingat sa sinasabi o pinopost pag sikat ka. Baka sa isang taon, di ka na sikat, you will be totally humbled.”
Nilinaw niya na wala naman siyang personal na pinatatamaan sa kanyang post sa kanyang Twitter account.
“This post is for me, my co workers on tv, vloggers or anyone under the spotlight. Wala akong personal na pinatatamaan. Back to you guys.”
Maraming netizens ang nag-agree sa sinabi ni Kuya Kim at ilan nga rito ay nagsasabing kahit sikat na ay panatilihin pa ring humble at ‘wag ilalagay sa ulo ang kasikatan.