Saturday , December 21 2024
arrest posas

Wanted sa kasong child abuse
ESTUDYANTE ARESTADO SA MALABON

NADAKIP ang isang 22-anyos estudyante na wanted sa kasong child abuse matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Chris Rey Villaviray, alyas Chen-Chen, 22 anyos,  residene sa Block 10, Lot 5 Phase 3, E1, Pla-Pla St., Brgy. Longos.

Ayon kay Barot, alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police sa pangunguna ni P/CMSgt. Edwin Castillo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Patrick Alvarado, kasama ang Sub-Station 5 at 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 4:00 pm sa kanilang bahay.

Ani P/Maj. Alvarado, si Villaviray ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 5 Oktubre 2022 ni Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City sa tatlong kaso ng paglabag sa Section 5(b) of RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.)

Piyansang P200,000  sa bawat bilang ang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …