Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cesar Montano Sunshine Cruz

Sunshine natawa sa pagbubuntis at pagpapakasal muli kay Cesar

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATAWA na lang si Sunshine Cruz sa kumakalat na tsismis na umano ay buntis siya at desididong magpakasal ulit sa dati niyang asawang si Cesar Montano. Nagsimula ang mga tsismis nang biglang maging visible si Cesar sa birthday ng kanilang mga anak, na nasundan naman ng mga balita ng kanyang pakikipag-split sa naging boyfriend na si Macky Mathay. Dahil sa walang ibinigay na mga dahilan, naglabasan na ang sari-saring espekulasyon.

Una, nilinaw ni Sunshine na hindi siya buntis. “Sino ba ang makabubuntis sa akin eh wala naman akong nakakatabi.” 

Tungkol naman sa sinasabing makikipagbalikan siya kay Cesar, sinabi ni Sunshine na mukhang malabo iyon.

“Kung kami ay may plano pang magbalikan, hindi na siguro kami gumastos at nagpakapagod  para makakuha ng annulment. Alam naman ninyo ang hirap at laki ng gastos para makakuha ka ng annulment dito sa atin. Marami kang kailangang patunayan. Hindi lang kami ang nag-uusap, kailangan pa ang isang psychiatrist. At napakahaba ng proseso na pinag-uusapan ninyo ang mga bagay na masyadong personal sa harap ng maraming tao. Public hearing iyon eh.

“Hindi lang iyong pagod at gastos, iyong kahihiyan na ang personal ninyong buhay ay nauungkat pa. Para gawin ninyo iyon, decided na kayong hindi na magbabalikan ulit. Isa pa ayokong maging unfair. Ano ang mangyayari, iiwan niya ang kasama niya ngayon? Hindi rin puwede iyon dahil tatlo na ang anak nila, at maliliit pa. At least ako noong makipaghiwalay ako, at dinala ko ang mga anak ko, sigurado ako na kaya ko silang buhayin dahil sa career ko. Eh kung hindi paano?” sabi ni Sunshine.

So talagang wala?

“Wala talaga,” patapos pa niyang sabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …