Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
baby old hand

Mangingsidang tatay mahimbing na nakatulog  
SANGGOL NA ANAK NALUNOD SA ESTERO

NALUNOD ang siyam buwang gulang na sanggol na lalaki nang gumapang patungo sa sirang dingding ng kanilang bahay at nahulog sa estero sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Natuklasan ang bangkay ng sanggol dakong 6:00 am nitong Martes, 25 Oktubre 2022 nang magising ang kanyang ama na wala na sa tabi ang bunsong anak na katabi niyang matulog, kasama ang dalawa pang batang anak, Lunes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 pm noong Lunes nang magkakatabing matulog ang tatlong bata at kanilang amang si Roel Galero, 29 anyos, mangingisda, sa kanilang tinutuluyang bahay sa F. Cruz St., Brgy. Tangos North.

Nang magising si Galero, wala na sa tabi nila ang sanggol kaya’t kaagad niyang hinanap ang anak hanggang matuklasan sa gilid ng sira nilang dingding na nakababad na sa tubig at wala nang malay.

Isinugod ni Galero sa Navotas City Hospital  (NCH) ang anak ngunit idineklara ng attending physician na patay na ang sanggol. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …