Sunday , December 22 2024

Madugong gera sa droga, hindi solusyon sa problema

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PATAYAN dito, patayan doon…iyan ang resulta ng “operation tokhang” kontra ilegal na droga ng nakaraang Duterte administration. Hindi tayo tutol sa kampanya laban sa ilegal na droga. Lamang ay may mga inosenteng napatay sa pagpapatupad ng kampanya dahil sa pag-abuso ng ilang pulis sa kautusan.

Isa sa inosenteng napatay ay ang menor de edad sa Caloocan City — si Kian de los Santos. Bagaman, nahatulan na ang mga pulis na sangkot pero huli na ang lahat. Patay na ang biktima.

Hindi maipagkakaila na talagang dumanak ang dugo sa war against illegal drugs ng nagdaang administrasyon at ito ay naging malaking usapin sa iba’t ibang bansa hanggang makarating sa International Court. Patuloy pa ngang iniimbestigashan ang isyu.

Pero kung naging madugo ang nagdaang kampanya, taliwas naman ngayon ito sa kasalukuyang administrasyon. Kung baga, ipatutupad at paiigtingin pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang gera laban sa droga pero hindi na daranak ang dugo. In short, magiging kakaiba ang estilo ng Pangulo sa pagsugpo ng droga.

Isa sa ipinangko ni BBM nang maupong Pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy niya ang nasimulang kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga.

Tulad ng ipinangako ni BBM na hindi daranak ang dugo, ito ay kanyang pinatunayan sa pagkakakompiska kamakailan ng P6.7 bilyong halaga ng shabu sa Maynila. Sa operasyon ay walang napatay, walang nasugatan. Puwede naman pala…at puwede naman talaga.

Ang operasyon ang isa sa pinakamalaking huli ng pulisya na umaabot sa halos tonelada ng shabu na nakuha sa isang high value target.

Sa pagkakaroon ng bagong mukha ng gera ng pulisya laban sa droga maganda ang naging resulta nito sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Maynila – nadiskubre ang mga dokumentong nag-uugnay kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr., sa kalakalan ng ilegal na droga. Ang masaklap nito, si Mayo ay isang intelligence officer ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG).

Natuklasang may legal na negosyo si Mayo, isang lending business – Wealth and Personal Development Lending Inc., sa Sta. Cruz, Maynila. Iniimbestigahan kung ang negosyo ay isang legal front lamang ni Mayo sa pagbebenta ng droga.  Posible kayang recycled ang shabu na nakompiska kay Mayo? Iyan din ang inaalam.

Ang punto rito, walang dugong dumanak sa operasyon – buhay ang mga nahuling suspek. Isang patunay ulit sa BBM admin na walang daranak na dugo sa gera laban sa droga hindi lamang sa Maynila kung hindi maging sa buong bansa.

Seryoso si BBM sa kampanya laban sa droga para sa kaligtasan ng maraming kabataan. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na maraming kabataan ang nalululong sa droga — at ito ngayon ang target ni BBM —- ang iligtas sila.

Tulad ng naunang nabanggit, noog nakaraang administrasyon, dumanak ang dugo sa kampanya laban sa droga – may mga napatay na mayor, gobernador, at marami pang bumulagta habang sangkaterba rin ang nakulong…at ang nakalulungkot nga, maraming inosente ang napatay.

Ang lahat ay binabago ni PBBM, hangad ng Pangulo na mas mainam na mahuli nang buhay ang mga sangkot sa droga. Ginanga ni BBM na mahuli nang buhay ang mga suspek para malaman at patugain kung saan nanggagaling ang mga bulto-bultong shabu at marijuana. Sino ang mga nasa likod ng nagpaparating at kung sino ang mga nakikinabang.

Tama ang estilo ni BBM – ang mahuli nang buhay ang mga suspek dahil kung paagpapatayin nga naman sila, paano sila kakanta? Paano malalaman  kung mayroong mga lingkod-bayan na nasa likod nito o gumagamit ng droga?

Sana mas maging epektibo ang gera ni BBM laban sa droga, kanyang pinalakas ang PNP- Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) sa pangunguna ng Directorate for Operations, nagsilbing digital library ng lahat ng impormasyon sa buong bansa tungkol sa kampanya kontra droga at kapag fully operational na, magpapahintulot ng mas epektibong real-time management ng mga operasyon.

Isinama na rin sa database ang pagmo-monitor sa rehabilitasyon ng mga drug users bilang bahagi ng demand-reduction strategy, kasabay ng supply-reduction strategy ng paghahabol sa mga sindikato ng droga.

Ano pa man, inamin ni BBM na hindi mapipigil ang digmaan sa droga sa kanyang administrasyon kaya higit niyang pinagtuunan ang pag-iwas at rehabilitasyon kaysa mabagsaik na parusa. Bukod dito, iniiwasan talaga ni BBM na mangyari ang mga patayan bunsod ng kampanya sa droga noong nakaraang administrasyon na karamihan sa mga napatay ay mahihirap habang ang mga bigtime ay naibabasura lamang ang kaso at maglalaho na parang bula.

Sa malinis na kampanya ni BBM laban sa droga, isa sa kanyang punto ay linisin ang mga naging batikos ng bansa sa mga alegasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings, may ilang libo rin ang napatay na mmga tulak at users ng droga sa mga isinagawang operasyon ng pulisya noon, kabilang dito ang 150 pulis na kinasuhan o nahaharap sa mga kasong kriminal para sa mga kasong may kinalaman sa drug war.

Sa ipinamamalas na kampanya ni BBM, sinisikap ng Pangulo, sa malinis na kampanya ay maturuang umiwas sa droga ang mga naging biktima nito at tinutulungan silang magsimulang muli ng magandang buhay upang makapag-ambag ng kabutihan sa bansa. Hindi tulad ng nakaraan na ang sagot sa gera sa droga ay patayan kaya hindi nabigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay ang mga sangkot…bukod sa maraming inosente ang nadamay na kabilang sa isang kahig, isang tuka.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …