Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CJ Quinzon The Beer Factory

The Beer Factory ni CJ Quinzon pambansang gimikan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI mahulugang karayon sa dami ng tao ang grand opening ng The Beer Factory sa Eton Centris, Quezon Ave kamakailan dahil sa rami ng nagpunta roon para tunghayan ang bagong gimikan.

Puno ng mga kaibigan at kamag-anak ni CJ Quinzon, ang batam-batang milyonaryo at may-ari, ang  loob at labas ng The Beer Factory gayundin ang venue sa labas nito na nilagyan ng stage para roon magtanghal ang mga inimbitahang peformers.

Alas-sais pa lang ng gabi ay unti-unti nang nagdaratingan ang tao sa open venue para namnamin ang mga musikang handog nina Kean CiprianoMayonnaise, Flow G, Loki, Nobita, JRoa, DJ Alondra Cleofa at iba pa. At pagdating ng 8:00 p.m. wala nang mapuwestuhan ang mga late na nagpunta.

Lalo pang naging buhay na buhay ang gabing iyon sa nakatutuwa at magandang pagho-host nina Valeen Montenegro at Diane Medina

Humanga naman kami sa magandang pagka-stage ni Direk Rod Ducusin ng event. Iba ang dating. Mahusay talaga si direk Rod.

Nakatutuwang ang tulad ni CJ na nasa late 20s pa lang ay super-successful na sa kanyang trading business.  Napag-alaman naming galing sa hirap ang batang ito pero nagpursigeng maabot ang mga pangarap. At ngayon, nasa maganda na siyang estado ng kanyang buhay. Isang very inspiring life story.

Pero ‘wag malungkot ang mga malalayo sa Quezon City dahil dinig namin, una pa lang itong The Beer Factory sa Eton Centris dahil magbubukas din sila ng second branch nito sa Makati sa December this year. 

Bukod sa iba’t ibang klase ng inumin ang ino-offer nila, Malaysian cuisine naman ang kanilang food.

Hindi na kami magtataka na darating ang araw na magiging Pambansang Gimikan na ang The Beer Factory.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …