Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo

Dennis aminadong ‘di akalaing mapapangasawa si Jen

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Dennis Trillo sa podcast ni Nelson Canlas na Updated with Nelson Canlas ay idinetalye niya ang mga pangyayari matapos ang hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado ilang taon na ang nakararaan, pagkatapos ay nagkabalikan at ikinasal.

Kuwento ni Dennis, siya ang unang lumapit kay Jennylyn sa pamamagitan ng text habang siya’y may taping noon sa London para sa serye nila ni Tom Rodriguez sa GMA 7, ang My Husband’s Lover.

“Ako ‘yung nag-text. Siguro na-miss ko siya o ano. Tinext ko lang na, ‘O, kumusta ka na?’ Nag-reply naman siya tapos simula noon, nagtuloy-tuloy  na ulit ‘yung communication naming dalawa,” sabi ni Dennis.

Ayon pa sa aktor, tuwang-tuwa siya na nagkabalikan sila ni Jennylyn at hindi rin makapaniwala na mag-asawa na sila ngayon.

“‘Yun ‘yung nakatutuwa na nangyari ‘yung hindi mo akalain tapos ‘di mo alam, siya pa rin talaga hanggang sa huli.

“Pareho kami, never namin na-imagine na mangyayari ‘to sa mga buhay namin, na magkakaroon kami ng happy ending. Actually hindi pa happy ending, happy start,” patuloy pa niya.

Sa ngayon ay may isang anak na babae na sina Dennis at Jennylyn, si Dylan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …