MATABIL
ni John Fontanilla
WAGI si Nadine Lustre sa katatapos na 13th PMPC Star Awards for Music sa kategoryang Pop Album of the Year para sa kanyang album na Wildest Dreams hatid ng Careless Music na pag-aari ni James Reid.
Hindi nakadalo sa gabi ng awards night si Nadine dahil kasabay nito ang grand finale ng Drag Race Philippines na isa siya sa hurado. Pero ipinaabot naman nito ang taos puso niyang pasasalamat sa pamunuan ng Philippine Movie Press Club sa karangalang natanggap.
Tinalo ni Nadine sa Pop Album of the Year ang Distanced/Timmy Albert—Universal Records; Heartbreak/Because—Viva Records; Huwag Matakot/This Band-Viva Records; Purple Afternoon/Paolo Sandejas-Universal Records; Songbook/Rico Blanco—Universal Records; at Umaga Live!/The Juans—Viva Records.
Excited naman si Nadine sa kanyang bagong pelikula, ang Deleter na isang horror movie, directed by Mikhail Red under Viva Films.