Friday , November 15 2024
Gabay Guro PLDT Smart Foundation  

Malalaking artista nakiisa sa Gabay Guro ng PLDT Smart Foundation  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PASABOG pa rin ang Gabay Guro ng PLDT-Smart Foundation kahit may pandemic pa. Ganoon na lamang talaga ang pagmamahal nila sa mga guro kaya naman tiniyak nilang tuloy pa rin ang saya this year.  Malalaking celebrities pa rin ang naging parte ng selebrasyon sa Gabay Guro Grand Gathering 2022 noong October 15. 

May temang The Filipino Teacher: Our Pride, Our Purpose, Our Passion at ginawan pa ito ng streaming na ipinalabas sa Gabay Guro Facebook Page at Youtube Channel.

Nagsilbing host ng event sina Pops Fernandez, Sam Concepcion, Dominic Roque, at Jolina Magdangal. Pinangunahan naman nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Kuh Ledesma, at Basil Valdez ang mga performer kasama sina AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Darren Espanto, janine Tenoso, Jason Dy, The Company at marami pang iba.

Nagwagi ng P500K ang dalawa sa mga guro, kotseng Cherry Tigo Pro Car ang mga gurong dumalo ag nag-register.

Hindi lang ‘yan, may libreng pa-check up pa sila sa mga nag-register sa mWell.ph.

Ani Chaye Revilla, Gabay Guro Chairperson at siya ring Chief Finance, Risk and Sustainability Officer ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC) na may suporta galing kay MPIC Chairman Manny V. Pangilinan, “All of us working behind Gabay Guro over the last 15 years, everyone remains united for the purpose of giving teachers, the honor they deserve.” 

Ang Gabay Guro ay suportado ng Cherry Auto Philippines, Fitbit Huwaei, Devant, mWell, Smart, Pascual Laboratories, PLDT Home, at 555 Tuna/Sardines.

Taong 2007 pa tumutulong at nagpapahala ang Gabay Guro sa mga guro sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang seven core pillars, ito ay ang Classroom Donations, Connectivity and Computerization, Scholarships, Teacher’s Trainings, Livelihood Projects, Digital Innovation, at Teacher’s Tribute.

Nakapagpatayo at nakapagbigay na rin ang Gabay Guro ng 55 double classrooms sa 21 syudad at municipalities nationwide. Nakapagbigay na rin sila ng 2,174 scholarship grants na 1,767 dito ay nagsipagtanong na with honors pa ang 24 %. May 840 din ang mga pumasa sa Licensure Exams for Teachers. May 57 partner na state universities pa ang Gabay Guro. Nakapamahagi rin sila ng 600 computers/laptops, at printers at internet connectivity sa 49 partner-schools mula 21 municipalities na 38,587 estudyante ang nagbenepisyo rito, gayundin ang mga guro, at admin staff. Mayroon ding 5,000 mga guro ang nabigyan ng extra livelihood opportunities at access sa micro-financing sa pamamagian ng Gabay Guro’s  assistance.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …