Friday , November 15 2024
Sextortion cyber

Estudyante minolestiya, kinunan ng video Guro dinakip sa Bulacan

INARESTO ng mga awtoridad ang isang guro matapos akusahan ng kanyang estudyante ng pangmomolestiya at pagbabanta sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Mark Matthew Calimlim, 29 anyos, high school teacher, at residente sa Sapang Palay, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, unang nag-alok ng ‘indecent proposal’ ang suspek sa 17-anyos na biktimang hindi pinangalanan at nagbantang ibabagsak ang grado kapag hindi pagbibigyan ang guro.

Kasunod nito, pinagsamantalahan umano ni Calimlim ang biktima sa isang bakanteng lote at kinunan ng video ang kanilang pagtatalik hanggang maulit sa isang hotel.

Nabatid na nagbanta ang suspek na ikakalat sa social media ang sex video nila kung hindi magpapadala ng hubad na larawan ang biktima.

Hindi nagpadala ang biktima sa pagbabanta ng suspek at nagsumbong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip kay Calimlim.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek sa San Jose del Monte CPS custodial facility at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na nakatakdang isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …