KAUGNAY sa pinaigting na kampanya laban sa illegal quarrying at illegal mining sa Bulacan, nasakote ang siyam na indibiduwal sa isinagawang anti-illegal quarrying operations ng mga awtoridad sa lalawigan nitong Miyerkoles, 12 Oktubre.
Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inilunsad ang operasyon dakong 11:40 ng umaga kamakalawa ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao MPS, at 4th MP ng 1st PMFC, sa bisinidad ng Sitio Batya, Brgy. Lambakin, Marilao.
Nadakip ng mga awtoridad ang siyam na katao matapos na maaktuhang nagtitibag ng volcanic tuff o ‘escombro,’ na tinatayang may volume na 470.5 cubic meters at nagkakahalaga ng P16,762.
Nasamsam mula sa mga suspek ang limang palakol, isang maso, apat na piko, tatlong bareta at 100 chisels na gamit sa pangtibag ng escombro. (MICKA BAUTISTA)