MATABIL
ni John Fontanilla
SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ni Sarah Javier dahil first time niyang nanalo sa Star Awards for Music para sa kategoryang Best Inspirational Song sa kanyang awiting Ihip ng hangin na siya mismo ang sumulat.
At sa kanyang thank you speech ay hindi naiwasang maluha lalo’t ito ang kauna-unahang pagwawagi niya sa Star Awards for Music.
Naging laman ng kanyang speech ang naging inspirasyon niya kung bakit niya naisulat ang Ihip ng Hangin, at ito ay dahil sa nandemiyang ating kinakaharap na sa isang ihip ng hangin ay unti-unti rin nating malalagpasan.
Nagpasalamat din ito sa kanyang very supportive mom na si Tita Lilly Camet at sa kanyang asawang si Jay at anak na si Jacob at sa kanyang mga tagahanga na nakasuporta sa mga proyektong ginagawa.
Thankful din ito sa pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club sa karangalang ibinigay sa kanya.