Sunday , November 17 2024
SLP suportado ng TYR PH
ANG MGA TYR Brand Coordinator na sina Keith Medina, Saira Janelle Pabellon, Evenezir Polancos, Jenn Sermonia, Shinloah San Diego, Seb Rafael Santos, Albert Sermonia, SLP officer Fred Ancheta, at TYR Brand Director Kring Marquez. (HENRY TALAN VARGAS)

SLP suportado ng TYR PH

HINDI na kakapusin sa pagkampay ang anim na batang swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) para matutukan ang kanilang kahandaan at pagsasanay upang maabot ang misyon na mapabilang sa Philippine Swimming Team sa hinaharap.

Sa pangangasiwa nina TYR Philippines Brand Director Ms. Kring Marquez at Brand Coordinator Keith Medina, pormal na lumagda ng kontrata para maging TYR Brand Ambassadors ang swimming protégée na sina Evenezir Polancos, Seb Rafael Santos, Saira Janelle Pabellon, Shinloah Yve San Diego, at ang magkapatid na Albert Sermonia II at Jenn Albreicht Sermonia.

“We’re very happy and proud to be part of this six young swimmers dream to achieve their goal and success not just in swimming but in life. As partner, the TYR will providing them equipment, competition and training gear as well as support in their future international competitions,” pahayag ni Marquez matapos ang opisyal na paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc, (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.

Iginiit ni Marquez, napili ng TYR Brand ang anim hindi lamang sa impresibong performance bagkus sa taglay na character at marka sa eskuwelahan. “As a brand na kilala sa quality and affordability, hinahanap namin sa aming mga ambsassador ang kalidad hindi lang sa swimming but also sa kanilang character, school achievement and good relations with their peers. Sa TYR brand hindi kayo mapapahiya,” sambit ni Marquez.

Mula sa iba’t ibang swimming club na nasa pangangasiwa ng SLP sa pamumuno ni Joan Mojdeh, malaking karangalan at dagdag na kasiglahan sa pag-angat ng mga batang career ang pagkakapili sa anim para maging ambassador ng TYR brand. Miyembro ng UST varsity team ang 17-anyos na Albert, habang ang nakababatang kapatid na si Jenn ay naghahanda para sumamal sa Batang Pinoy sa Disyembre, gayondin sa qualifying series para sa pagpili ng mga miyembro na sasabak sa Southeast Asian Age Group championship sa susunod na taon.

“Nagpapasalamat ako at napili kaming magkapatid na mapasama sa TYR Ambassador. Malaking bagay po ito para madagdagan ‘yung suporta sa amin para mas makasali kami sa maraming tournaments,” sambit ni Albert sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.

Mula sa General Santos Swimming Club ang magkaeskuwela sa Grade 9 na sina sina Polancos at Pabellon na kapwa may maningning na marka sa local junior competition kabilang ang Batang Pinoy kung saan nakaliga ng marka sa butterfly event ang 13-anyos na si Saira.

“I’ll try my very best and to train hard to achieve my dream of breaking more junior national record. Salamat po sa TYR, sa aking coach at mga magulang ko for guidance and support,” pahayag ni Saira.

Kabilang ang 14-anyos na si San Diego sa 21 scholars na nasa pangangasiwa ng National Academy in Sports (NAS) sa Clark City, habang produkto ng Philippine Science High Scool ang 13-anyos na si Seb. (HATAW SPORTS)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …