TINANONG si Paulo Avelino sa media conference ng Flower of Evil kung kamusta ang pakiramdam na first time niyang nakatrabaho si Piolo Pascual sa nasabing serye. Ang sagot niya ay masaya, dahil dati, noong elementary at high school pa lang siya ay napapanood niya lang si Papa P.
At isa raw achievement para sa kanya, na ‘yung mga hinahangaan niya noon ay nagkakaroon na siya ng oportunidad na makatrabaho ang mga ito at matuto sa kanila.
Sa sinabing ito ni Paulo tungkol kay Piolo, ay natawa na lang ang huli. Sabagay, wala namang masama sa sinabi ni Paulo, hindi pa naman kasi siya artista noon, na artista na si Papa P. Nagsimula si Papa P noon sa sikat na sikat na youth-oriented show na That’s Entertainment ng GMA 7. Hanggang mapunta sa ABS-CBN at maging ka-loveteam ni Judy Ann Santos.
That time ay wala pa nga sa showbiz si Paulo kaya napapanood pa lang niya ang award-winning actor. (Rommel Placente)