Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Genesis Gallios Vin Abrenica

Vin tinitilian pa rin kahit tatay na; Genesis pasabog ang drag costumes                          

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOSYAL NA SOSYAL  ang katatapos na birthday celebration ng entertainment guru at tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios noong Sabado ng gabi sa Manila Hotel. Mula sa venue, pagkain, invitation, at production numbers, talaga namang bonggang-bongga.

Ang Reign birthday na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel ay tumagal nang halos tatlong oras na naghandog ng programa mula sa Gergall Events and Talent Management na idinirehe ni Mak de Leon.

Special guests sa birthday celebration sina Xian Lim, Vin Abrenica, Madam Inutz, at Ima Castro na nagbigay ng kani-kanilang song numbers. Maging ang birthday celebrator ay hindi nagpakabog sa mga special guest dahil sa kanyang pasabog na  production number na in full drag costume. 

Humataw din ang Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad, at Breezy Boys sa underwear fashion show na tampok ang mga kaibigang male models ni Mama Gen.

Maganda ang production numbers kaya naman hindi namin namalayan na maghahatinggabi na pala natapos iyon. 

Bagamat matagal nawala si Vin dahil sa pamamahinga nito simula nang magpakasal at magkaanak, tinilian pa rin ito na pagkatapos iparinig ang ilang kanta ay nagpa-bonus topless kaya lalo siyang tinilian.

Bongga rin ang song numbers ni Xian na mukhang nag-enjoy dahil marami itong kinanta. Halos nag table to table rin ito para makipag-selfie sa lahat ng mga naroroon.

Riot naman as usual ang number ni Madam Inutz na kinanta niya ang hit song na  Inutil

Hindi pa rin matatawaran ang galing ni Ima sa mga awiting ibinahagi noong gabing iyon. 

 Ipinasilip naman sa isang video presentation ang mga naka-line up na projects at ang ilang mga bagong talents ng Gergall Talent Management.

Sa tagumpay ng birthday celebration ni Mama Gen itinuturing niya itong dream come true at halos hindi siya matapos sa sobrang papasalamat sa mga kaibigan na nakibahagi at nakiisa sa kanyang selebrasyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …