Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami nagulat nang kumustahin at alukin nito ng tulong ang talent manager na si Lolit Solis. Pero ang nakagugulat ay nagawa pa niyang mag-alok ng tulong gayung may matinding karamdaman din siya. Ganoon siguro talaga ang isang taong nasa puso na ang pagtulong.

Ganyan si Kris lalo na kapag napamahal ka na sa kanya. Talaga namang ie-extend niya ang dalawang kamay para maipaabot ang tulong niya.

Ito ang ginawa niya kay Manay Lolit na ibinahagi naman ng talent manager sa kanyang Instagram post na kinumusta ni Kris ang kanyang kalagayan at inaalok ng tulong. 

Ipinost ni Manay Lolit ang picture ng mag-iina (Kris, Joshua, at Bimby) sa kanyang IG account at may caption iyon, “Kaya hindi ko puwede hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya.

“Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin (personal aasistant ni Kris) para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad.

“To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin.

“Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya.

“More than anything gusto ko gumaling si Kris para sa mga anak niya. Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli.

“Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya. Pagaling ka Kris, don’t stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love.

“Thank you, will always remember your sweetness and kindness. Salamat talaga.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …