ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang naarestong suspek na si Henson Francisco, alyas Iking, 33 anyos, hinihinalang pusher.
Batay sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC, RMFB-NCRPO sa pangunguna ni P/Lt. Ryan Joshua Sangalang, at PDEA-RONCR ang buy bust operation laban kay Francisco matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activity nito.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek nang bentahan ng halagang P52,500 ilegal na droga ang isang undercover police na nagawang makipagtransaksiyon sa kanya.
Nakompiska sa suspek ang halos 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard value priced (SDP)
P680,000, pitaka at buy bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. (ROMMEL SALES)