Friday , November 15 2024
road accident

Inihabilin ng erpat sa dalawang kuya
3-ANYOS ANAK NG LABORER AT INANG OFW TODAS SA SUV

PATAY ang isang 3-anyos nene nang masagasaan ng isang sport utility vehicle (SUV) habang naglalakad  kasama ang isa pang kapwa paslit, sa Parañaque City nitong nakaraang Martes, 20 Setyembre.

Ang biktima, kinilalang si Rhaymarie Jane Sampang, residente sa Barangay San Antonio, Parañaque City.

Reklamong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries  ang isinampang kaso sa driver na si Rodolfo Cudiamat, 68 anyos.

Sa CCTV footages ng GMA News, ang biktima, kasama ang isa pang paslit na babae ay magkahawak ng kamay na naglalakad sa kalye nang isang SUV ang lumiko pakaliwa at nasagasaan ang biktima habang ang kasama nito ay nakaligtas pero nagkagalos din.

Kaagad kinuha ng kaniyang kuya ang nasagasaang paslit habang ang ilang kalalakihan ay humabol sa SUV dahil nagtuloy-tuloy lang ang sasakyan.

“Sabi ko, ‘boss may nasagasaan kang bata, akin na ‘yung susi mo.’ E ayaw ibigay.  Hindi ko nakita na may bata, ‘yun ang sabi niya,” sabi ng saksing si John Bert Lopez.

Katwiran ng driver, hindi niya nakita na may mga bata, hindi naniwala ang mga residente dahil dalawang speed humps ang kanyang dinaanan.

Sinabi ng ama na si Raymond Sampang, construction worker, ibinilin niya lang ang biktima sa dalawang nakatatandang kapatid, edad 11 at 12 anyos bago siya pumasok sa trabaho.

Hindi pa nagkikita ang biktima at inang overseas Filipino worker (OFW) na kadarating pa lang sa bansa mula sa Saudi Arabia dahil isinalang pa sa quarantine. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …