Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beautederm Rhea Tan Vigan

Lorna, Jelai, Buboy, JC, Ejay, Jana nag-enjoy sa Vigan 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAG-ENJOY nang todo sa kanilang trip sa Vigan City, Ilocos Sur ang Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Jelai Andres, Ejay Falcon, Jana Roxas, at BeauteHaus ambassador na si JC Santos with Buboy Villar.

Nagpunta sila sa Vigan kasama si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan para sa grand opening ng Beautederm Vigan store sa UNP Town Center na nagkaroon  ng motorcade, mall show, at meet-and-greet. Nakasama nila roon ang mahal na ina ni Ms. Rhea na si Mommy Pacita, kapatid na si Bambie, at iba pa nilang mga kapamilya at kaibigan.

Nakasama rin nila sa isang dinner treat at maging sa mall show si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Singson at misis nitong si Patch Singson gayundin si Atty. Faye Singson. 

Nagkaroon din ng pagkakataon sina Ms. Rhea at ang kasama niyang ambassadors para makapamasyal sa ilang tourist destinations sa Vigan na talagang na-enjoy nila lalo na ng kasama nilang mga bata.

Si Ms. Lorna nga na balik-Vigan matapos ang matagal nilang pagte-taping roon para sa FPJ’s Ang Probinsyanokasama sina Coco Martin at iba pa ay sinabi sa mall show na Ilocana na rin siya dahil sa tagal ng pamamalagi niya roon. May paalala rin siya sa mga taga-Vigan na tangkilikin ang mga produkto ng Beautederm dahil hindi lang gaganda ang hitsura nila kundi gaganda pa ang buhay nila.

May mga paandar naman sa kanilang photos na ipinost sa Instagram ang sikat na vloggers na sina Jelai at Buboy para mag-imbita sa Beautederm event. At siyempre sa mall show mismo ay nagpakitang-gilas na naman sila na talagang ikinaaliw at ikinasiya ng mga manonood.

Mistulang naging family vacation with friends naman ang dating ng kanilang Vigan trip para kay JC na kasama ang misis na si Shyleena, na isa ring BeauteHaus ambassador, pati na ang cute nilang anak na si River, na tuwang-tuwa sa nagkakarerang mga bibe.

Naging magandang experience rin ito para sa newly engaged couple na sina Ejay at Jana. Ikinatuwa rin ni Ejay na Vice Governor ng Oriental Mindoro na ma-meet si VG Ryan.

Bukod sa store opening ng Beautederm, naganap din ang pirmahan para sa additional scholars ng ContriBeaut—ang foundation ni Ms. Rhea at Beautederm na tumutulong sa mga nangangailangan. Isa nga ang pamimigay ng scholarship sa mga estudyante sa mga pangunahing target nito sa pagtulong.

Congratulations, Ms. Rhea at Beautederm sa matagumpay na store opening sa Vigan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …