Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janelle Tee

Janelle naburyong sa social media

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAG-SOCIAL MEDIA DETOX pala si Janelle Tee kaya’t inactive siya sa kanyang mga social media account. Ito ang inamin ng aktres sa mediacon pagkatapos ng private screening ng pelikula nila ni Ava Mendez, ang The Escort Wife.

Marami ang nagulat na biglang i-announce niya na magiging inactive muna siya sa kanyang socmed acct. 

Anang post niya, “Taking a social media break…

“My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat.

“I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. 

“I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out.

“I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now.”  

At ang paliwanag niya rito ay, “Gusto ko lang maging inactive muna. Alam mo ‘yung parang nangyayari, iyon naman sa atin, like when we work so much, nang dire-diretso.

“Parang we want to relax and recuperate and be in touch with the realities of life. Parang ganoon. Hindi naman ako mawawala forever. Parang I just need to take a break. Social media detox, kumbaga.

“Kailangan po talaga yun, but I’ll not be gone for too long. I’ll be back very, very soon and marami tayong paandar pang nakahanda po para sa inyong lahat.” 

Wala namang pinagdaraanan si Janelle kung kaya nya nagawa ito. 

“It’s just that I felt na kailangan ko lang siya. Parang ang feeling ko, ang ano ng social media, so I just needed that.

“I remember before, after nag-compete ako ng Miss Earth 2019, nag-detox din ako. Parang ratrat ka tapos biglang kailangan mo lang talaga ng break and then, when you’re back, you’re back na mas maraming pasabog at paandar,” sambit pa ng beauty queen.

Tila ganito rin ang role niya sa The Escort Wife na mapapanood na sa September 16 na nabagot. Pero iba naman siyempre sa pelikula na dahil sa pagkabagot, kuryosidad at kagustuhang gumawa ng mga exciting na bagay na wala sa lugar ay nakagawa siya ng hindi maganda na naging daan para masira ang sarili at kapwa. 

Siya si Chrissy, asawa ni Raymond Bagatsing na tiyak na-challenge sa aktor kaya naman masasabing ito ang best movie niya at nailabas niya ang galing. Kakaibang Janelle Tee nga ang napanood sa pelikulang ito kumpara sa mga nauna na niyang ginawa tulad ng Kinsenas, Katapusan, Putahe, at Secrets.

Ang The Escort Wife ay isinulat at ipinrodyus ng award winning filmmaker na si Yam Laranas at idinirehe ni Paul Basinillo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …