I-FLEX
ni Jun Nardo
NAMAMAYANI ngayon sa TV at social media ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Ang series niyang Lolong ay ang most watched teleserye sa bansa na may 18 million views online at rating na 18.9%.
Eh bukod sa Lolong, napapanod na rin si Ruru bilang isa sa runners ng Running Man Philippines na patuloy na umaani ng mataas na ratings. Kitang-kita sa kanya ang pagiging palaban sa mga mission at lumalabas din ang pagiging komedyanyte niya.
Tuwing Sunday naman, sing and dance si Ruru sa All Out Sunday at mayroon na rin siyang You Tube channel.
Eh dahil sa pamamayagpag ni Ruru sa TV at sa socmed, dalawa ang puwedeng itawag sa kanya, ang Primetime Action Prince at Primetime Action-Drama Star.
At may humabol pang gustong itawag kay Ruru ngayon. Ang Hottest Leading Man, huh.
Anuman ang itawag kay Ruru, ang katotohan ngayon ay Ruru Rules!