Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Rhea Tan Piolo Pascual Carlo Aquino Dingdong Dantes

Zeinab bet maka-collab sina Piolo, Carlo, Dingdong

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

BILANG sikat na vlogger, kabilang sa inaabangan sa Beautederm ambassador na si Zeinab Harake ay ang collaboration videos niya sa ibang vloggers at celebrities.

Nagkataon namang ang bet niyang maka-collab sa susunod niyang gagawing vlogs ay kapwa niya rin Beautederm ambassadors na sina Piolo Pascual, Carlo Aquino, at Dingdong Dantes.

Hindi na po ako lalayo, Papa P (Piolo) pasok! Gusto ko siyang maka-collab. Parang tingin ko ang cute rin niyon kasi dadalhin natin siya sa YouTube tapos gagawa siya ng challenge, 24-hour challenge. So, sana mapagbigyan. Papa P baka naman po.

“Tapos siguro si Carlo Aquino. Si Kuya Carlo kasi bata pa lang ako nakikita ko na siya. Siya ‘yung crush-crush ko roon sa movie nila ni Ms. Ai Ai (delas Alas), ‘yung ‘Tanging Ina.’

“Si Dingdong Dantes po. Kasi nga Dong-Yan lover po ako. Love ko po si Ate Marian (Rivera). So, silang mag-asawa na po ang ima-market ko sa YouTube ko. Joke lang po. Ano bang magandang challenge kay Sir Dingdong? Kasi kay Ate Marian naisip ko na ‘yung magpapaturo ako ng ‘Sabay-sabay Tayo’ (dance hit ni Marian). So, kay Sir Dong naman kasi nakita ko na siya sa ‘Family Feud.’ So, nsg-appear na siya sa YouTube ko. Pero sana collab naman. Tapos minessage ako Ate Marian, sobrang kinilig ako. Fangirl lang.”

Samantala, mapapanood na sa YouTube channel ni Zeinab ang vlog niyang No Luggage Challenge In Singaporena kabilang sa tanging bitbit niyang essentials ang ineendoso niyang oral care products ng Beautederm na kinabibilangan ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etre Clair Refreshing Mouthwash, at Etre Clair Mouth Spray. Nang i-deadline namin ito ay mayroon ng mahigit sa 1.9 million views ang naturang video.

Nagpapasalamat si Zeinab kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa pagkuha sa kanya bilang ambassador ng oral care products ng Beautederm.

Ramdam ko ang pagmamahal nila noong sinalubong nila ako lalong-lalo na si Mommy Rei na very welcoming and generous pa,” ani Zeinab. “Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang-iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect din ang Etre Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko rito at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etre Clair.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …