REALITY BITES
ni Dominic Rea
SA pagpirma ng kontrata ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga sa bakuran ng AMBS Channel 2 ay ebidensiya itong hindi na tutungtong ang aktres sa bakuran ng ABS-CBN.
Patunay lang na tinuldukan na ni Toni ang usap-usapang posibleng babalik siya sa Kapamilya Network. Patunay lang na mas masaya na ngayon si Toni sa kanyang bagong tahanan na kung tawagin ay isa na siyang KABABAYAN.
Isang talk show ang hahawakang daily program ni Toni sa naturang network ng mga Villar.
Wait! Magkano kaya ang nilalaman ng kanilang kontrata? Winner ba?